Today's Headlines

Bulatlat.com

Manila Bulletin

Sunday, January 18, 2009

Mga panukalang magpapalakas sa ekonomiya ng Pilipinas, inaprubahan sa Kongreso

Kahit mayroon na umanong “economic firewall” ang Pilipinas laban sa epekto ng U.S. recession, inaprubahan ng Economic Affairs Committee at ng mga mambabatas ang mga panukalang naglalayong palakasin at bigyang proteksiyon ang ekonomiya ng bansa. Hinikayat ng mga ito na maging mas pro-active ang National Economic Development Authority (NEDA) at ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at gawing self-reliant ang ekonomiya.

Noong 2008, isinalang sa plenaryo ang ulat at panukala "...urging the National Economic Development Authority (NEDA) and the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) to be more pro-active in dealing with anticipated disruptions to the Philippine Economy, as in the case of the economic recession in the U.S. and its impact on the economy, by preparing a road map and corresponding courses of action and to re-orient the economy towards greater economic self-reliance by developing and strengthening the domestic industries, modernize the agriculture sector while enhancing our international competitiveness through economic reforms." Ito ay nabuo mula sa mga deliberasyong isinagawa ng komite sa pagtalakay ng House Resolution No. 428 na inihapag nina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Satur Ocampo, Anakpawis Rep. Crispin Beltran at Gabriela Women's Party Reps. Liza Maza at Luz Ilagan. Alinsunod sa HR 428, tinalakay sa Committee on Economic Affairs ang mga maaaring maging epekto ng U.S. economic slowdown sa bansa, kung gaano kahanda ang gobyerno at kung ano ang mga maaaring gawin bilang tugon sa krisis pang-ekonomiya.

Sinusugan ng Committee on Economic Affairs ang pangangailangang mai-reorient ang ekonomiya, “to make it stronger by developing and strengthening domestic industries, and to modernize agriculture and to re-think the export-oriented, import-dependent model of development.” Ayon din sa ulat, sa pamamagitan ng mga hakbang na ito mabibigyang proteksiyon ang ekonomiya mula sa pinsalang maaaring hatid ng krisis sa international market.

Inirekomenda ng komite na:

-suportahan ng gobyerno ang “local capital market growth” sa pagsasabatas ng Credit Information System Act (CISA), Corporate Recovery and Insolvency Act (CRIA), Collective Investments Schemes (CIS) Law; at Real Estate Investment Trust (REIT) Act;
-diversify Philippine exports to "emerging, non-traditional markets" like India and by forging "more equitable" trade agreements;
-further enhance competitiveness through increased infrastructure, lower transport and electricity costs, and better regulation and regulatory reforms.

Ayon kay Rep. Casiño, ang mga economic managers ng bansa ay dapat magsagawa ng “radical measures” sa halip na pairalin nito ang “business as usual attitude” sa pagtugon sa krisis. Tinuligsa ni Casiño ang mga rosy projections ng gobyernong Arroyo, ang kakulangan sa paghahanda sa krisis, at ang mga patakaran nitong nakakapinsala o hindi naman tumutugon sa mga pangangailangan ng sambayanan. Ipinagmalaki noon ni Pang. Arroyo na may mataas na demand sa Filipino laborers sa Canada, Middle East at UK, at may contingency plans ito para sa mga sektor na maaaring mapinsala ng krisis kaya walang dapat ikabahala.

Ayon sa mga mambabatas, nararamdaman na ng mga Pinoy ang pinsalang hatid ng global slowdown at kinakailangang malaman kung paano malulutas ang mga problemang dulot nito. May mga naitala nang OFWs na nawalan ng trabaho. Pumasok na sa resesyon ang US at iba pang bansa. Maaaring resesyon din ang dumating sa Pilipinas ngayong 2009-2010. Maaari pang magkaroon ng malawakang kawalan ng trabaho at mas malalang karukhaan sa bansa sa mga darating na buwan kung hindi ito mabibigyang lunas.

May balance of payments (BOP) deficit ang Pilipinas na $1.195 billion noong Oktubre dahil na rin sa mahinang exports at magastos na imports. Maaari pang humina ang exports sa 2009 kaysa sa 7 percent na unang inakala. May mga ulat ding paghina sa net profits ng mga lokal na korporasyon tulad ng double-digit drop sa tubo ng Philex Mining Corp., ang pinakamalaking mining firm ng bansa, 43 percent mas mababang tubo ng Ayala Corp., net loss of P2.5 billion (3rd Q) net income ng Bayan Telecommunications, at iba pa.

Lubhang di sapat ang “kaunlarang” inilalako ng gobyernong Arroyo. Sa harap ng mga suliraning ito at kawalan ng sapat na pag-unlad sa lokal na agrikultura at industriya, kinakailangan pang magpanukala at magpatupad ng mga patakarang totoong kapaki-pakinabang sa sambayanan.

Total Pageviews